February 25th, 2012

Gusto ko sanang magtampo pero wag na lang.

Gusto sana kitang makita talaga kagabi. Gusto ko rin sana ng isang mahigpit na yakap—yung NLNB Hug. Gusto ko rin sana kasing ibigay sa’yo ang mga ‘to…

ilang shells at corals na napulot ko noong minsang mapadpad kami sa dagat.

Kaso hindi nagkatugma ang oras natin. Di bale. Sa ibang pagkakataon na lang siguro.