February 11th, 2012

Hey Daydreamer

You gotta be prepared to leave her in your fantasy. ‘Cause when it’s over, you gotta make sure that it’s you who’ll be with her.

At I was with her nga kahapon. At hindi na lang isang fantasy ang pagkain namin ng Cornetto Disc kahapon. After 3 months, natupad na din ang pangarap naming kumain ng Disc together.

Ayoko talaga ng Cornetto pero gusto kong kumain nito kasama s’ya. At ngayon na lang ako ulit kumain nito after 3 years. May bad experience kasi ako sa kanya. At may bad experience ulit ako sa kanya kahapon. Pero isa itong nakakatawang bad experience. Hahaha!

Iyon na yata ang pinakamabungang pagkain ko ng ice cream sa buong buhay ko. Alam mo yung puro chocolate ang bibig at kamay namin? Ganun eh. Daig pa namin ang mga bata. Pagdating kasi namin sa simbahan, tunaw na yung ice cream. Kung bakit ba naman kasi hindi na lang namin kinain habang naglalakad, di ba? Haha.   

Hindi ko tuloy nagawa yung plano kong patugtugin yung Hey Daydreamer habang binubuksan n’ya yung Cornetto Disc n’ya. Ang tagal ko pa namang plinano yun. Haha. Fail! Di bale next time.

Sana nag-enjoy ka sa ating Cornetto-Disc-plus-chicken-skin-plus-proven date. Sana HAPPY ang ELEVEN mo kahit alam ko namang may iba kang gustong makita at makasama sa araw na ‘to at may gusto rin akong makita at makasama sana noong nakaraang araw (ten). Hahahahaha. 

Aylabyow! Mamaya babatukan ulit kita. :))

  1. imscribbler posted this