February 8th, 2012

February 4th, 2012. Sabado. 9:30 ng gabi.

(Image not mine)

Pagkatapos kumain ng goto, tokwa’t baboy sa Billgie’s (na libre ni ate Deth) ay nagkayayaan namang mag-perya ang Praise and Worship team. Ang totoo, gusto lang talaga naming nilang sumakay ng ferris wheel. Masyado kasi kamingsilang naengganyo ng mga ilaw na tanaw mula sa lugawan. At dahil minsan lang ito, sumama na rin ako (kahit alam kong papagalitan na ako ng matindi pagdating sa bahay).

Hindi pa man kami nakakasakay ay kinakabahan na talaga ako. Hindi naman ako matatakutin sa mga rides. Sa katunayan ay sumasakay naman ako sa Wheel of Fate sa Enchanted Kingdom (na di hamak na mas malaki at mas mataas kaysa dito) at maging sa Space Shuttle kahit paulit-ulit pa. Hindi lang kasi ako sigurado sa kaligtasan ng mga rides sa perya kaya ako kinakabahan. Pero mabuti naman talaga at nakatapos at nakababa ako ng ligtas. Whew!

Si kuya Lester. Yung nagpapauga sa ferris wheel car para lalo akong kabahan. Keri lang. S’ya nagbayad ng ticket ko eh. Pagbigyan. Haha. 

—-

Walang Kwentang Trivia:

Pangalawang beses ko pa lang itong pumunta sa perya at unang beses ko pa lang itong sumakay ng ferris wheel sa isang perya.

Ang una kong pagpunta sa perya ay noong 4th year high school ako at sa Malolos pa ito. Doon rin ako unang nakasakay sa roller coaster. 

Haha. La lungs.

  1. nesohc said: rk e. hahahaha.
  2. imscribbler posted this