Isang sabado.
Nilapitan ka n’ya tapos may inabot s’ya.
Napasupertighthug ka pa nga e.
Ang kapalit pala ng happiness mong yun ay ang kanyang dugo.
First time n’ya yun. Tingin ko, kinakabahan talaga s’ya. Pero para mukhang cool padin, kemedora lang s’ya while nagpeprepare ka ng blood extraction stuffs mo.
Napapalunok na s’ya ng laway sa kaba, nakakatawa. Hehe.
Pero hindi ka nakuntento sa isa. Tatlong turok. Gusto n’yang paniwalaang “Iloveyou” ang ibig-sabihin nun. Hehe. Pampalubag-loob.
Inoffer mo pa na s’ya na magkeep nung bottle na may ilang patak ng royal blood n’ya. Ano namang gagawin n’ya dun? Ililibing? Haha O ibabalik, bilang kulang daw s’ya sa dugo. Haha. Morbid. Yeah.Bigla n’ya daw namiss yung araw na yun. Okay daw palang bonding. Pero sana wag na daw n’yong ulitin. Haha. Pwera na lang kung aalamin mo na ang bloodtype n’ya. Pangarap n’ya daw yun e.
Hi coach! Kakauwi ko pa lang. nag-overtime kasi kami. Second day na ng duty namin sa PGH. Nakakapagod pala. Kahapon sa Clinical Chemistry kami. Ngayon sa Blood Bank. Nakakaloka. Ang dami ng prinoseso naming dugo. Gusto ko ngang nakawin yung reagents pang blood type eh. Para ma-blood type kita. Gusto mo yun di ba? Haha. Ayun. Namimiss lang kita. Iloveyou. :) -01/31/12; 08:39 pm
—-
Backreading just because…