January 31st, 2012

“You Can Count On Me Like 1, 2, 3. Kemer-kemerloo By Blue Bayou.”

Haha. Hanggang ngayon, kapag naiisip ko ang napakabaklang kantang (remix ng Count on Me at Blue Bayou) ito ni Bel, hindi ko mapigilang tumawa pa rin. :))

—-

Kahapon, pagkatapos ng kanya-kanyang 8 am-4 pm duty namin sa PGH, hindi sinasadyang nagkita kami sa Lara Hall. Nagkayayaang kumain sa Jollibee kasama ng iba, umalis ang ilan at kami na lang ang natira.

Nakaupo lang kami sa may Lara the whole time habang nagkukuwentuhan at nagkukuhanan ng litrato. Halos mapuno na nga ang iPod ko ng pagmumukha niya naming dalawa eh. :))

(Please excuse our faces. Haha.)

Pagdating ng alas-sais ay pumunta kami sa Annex II kung saan nagpapractice ang PHAC dance, nanood sandali ng Bakbakan sa PGH court at umuwi na pagkatapos.

—-

“Hanny, sa’yo lang ako komportableng makipag-hold hands,” sabi n’ya. Kinilig naman ako noong marinig ko ito. At naisip ko, first time pala naming nag-HHWW. Hahaha. Pero nakakatuwa. Nasabi ko naman na yata dating ang laki na ng pinagbago at improvement ni Bel pagdating sa pagiging sweet and showy diba? Haha. :)

Sa buong panahong magkasama kami, ilang beses n’ya rin akong tinanong, “Hanny, hindi mo ba ako namimiss?” Sa pagkakatanda ko, laging ngiti o tawa lang ang isinasagot ko. Kung alam lang n’ya kasi, isa s’ya sa mga taong palagi kong namimiss. Sobrang nagpapasalamat nga ako na nagkaroon ng pagkakataong magkasama kami ng matagal-tagal ulit kahapon.

Alam mo yun. Kasi it is always a joy to be with her. I’m really glad I’ve stayed. :)

  1. twofifthsofasecondinhismovie said: so that’s what happened…:)))
  2. imscribbler posted this