January 29th, 2012
You are ready. You have so much to give. Ang blessed lang n’ya kung magiging discipler ka n’ya.

Richelle Villena, my discipler/leader/coach/nan*y

Nakakauplift. Nakakaencourage.

Yes, Lord. I’m now ready to step up to another level. I’m now ready to build a 12 of my own. I’m now ready to create disciples of You and for You. :’)

Cool stuff! :))
At first, I saw Einstein and I was like, “Eh? Wow! My vision’s normal.” Then after a few seconds, I remembered I have my eyeglasses on so I took it off and saw Monroe instead. Yeah right. I’m near-sighted. Tsk.

(Source: smallandcreepy)

January 27th, 2012
Akala ko pa naman pwede na kong magpaka-PANDA pagkatapos ng exam kahapon.
Hindi pa pala. Fail. T.T

Akala ko pa naman pwede na kong magpaka-PANDA pagkatapos ng exam kahapon.

Hindi pa pala. Fail. T.T

(Source: johnesk, via valence)

January 26th, 2012
I SAW THE MIGHTY ORANGE TODAY.
And he’s wearing my favorite orange shirt that really, really looks good on him. Hihi.
Nakasakay na ako sa jeep pauwi at habang kasalukuyan itong nakahinto, mula sa peripheral vision ko ay nakita ko ang isang pamilyar na bulto ng katawan na nagdaan sa gilid ng aking sinasakyan. Kaso wrong timing naman yung jeep. Biglang umandar. Kaya noong paglingon ko ay ang sexy back (haha!) at ang curly black hair na lang n’ya ang nakita ko. Pero sigurado ako. Siya yun. May mga kumikislap kasi sa bandang tenga n’ya. Yung sangkaterbang piercings n’ya siguro. Haha.

January 25th, 2012

“Di na tayo nagkita. Miss na kita.”

Text ng nanay ko. Sabi ko kasi wala kaming pasok ngayon at dito na lang ako sa bahay para mag-review. Noong mga nakaraang araw kasi hindi rin ako nakapunta sa kanya sa opisina at hindi ako nakasabay sa kanyang mag-lunch. Tsk.

Sorry na, nay. Nagpapamiss lang ako. Hihi. I love you! :’)

The Jologs Date

It happened earlier than expected.

Ang usapan kasi Friday kami manonood. Hindi ko na matandaan kung paano napagkasunduang ngayon (Wednesday) na ito gawin.

Pagkatapos kong magproseso ng insekto ay hinintay ko na s’yang matapos sa meeting nila para sa case presentation at pagdating ng alas-singko ay pumunta na kami sa sinehan. Mabuti na lang at palabas pala ang jologs film na gusto naming panoorin sa Rob. First day of showing pa! Mukha tuloy kaming super fans ni Maja at Matteo. Haha.

Nakakatawa. Ramdam na ramdam namin (lalo na niya) ang pagka-jologs sa ticket counter pa lang. Habang yung ibang tao kasi ay bumibili ng ticket para sa mga ‘seryosong’ pelikula tulad ng The Darkest Hour, kami naman ay ticket para sa My Cactus Heart ang bibilhin. Pagdating sa loob ng sinehan, in fairness, marami-rami naman pala ang nanonood. Akala kasi namin kami lang dalawa ang manonood noon. Haha. Over?! :)) 

Nakakatawa ulit. Yung ibang nanonood (na karamihan yata ay high school students) sobra kung maka-react at maka-tili. Lalo na yung tatlong babae sa harap namin. Pati na si kuya sa gilid ko na mas kinikilig pa kesa sa girlfriend n’ya. Hahaha. Laughtrip talaga! Hindi namin mapigilang tumawa (pero s’yempre yung mahina lang) dahil sa kanila. Ang sakit tuloy sa tiyan. Hahaha.

Yung pelikula, ayos lang. Bilang kiligin akong tao eh kinilig ako. Kahit doon sa mga scenes na hindi naman nakakakilig talaga (at sa mga scenes na nakakadiri para sa kanya. Haha). Puro hampas tuloy ang inabot n’ya sa’kin. Hahaha! Sabi nga n’ya, parang ako daw yung nag-ayang manood ng pelikulang yun at hindi s’ya. (Doon lang kasi s’ya sa huling part kinilig.) Haha. Sorry na.

Ang saya talaga ng araw na ‘to!

Nakakain na din ako ulit ng popcorn sa wakas. Hindi nga lang cheese. Pero masarap din naman ang sour cream. Haha. (Feeling ko nagseselos talaga s’ya sa popcorn. Haha!)

—-

Fu, i-rewind natin ang happily-ever-after na ‘to ah? :))

The Greatest Gift The Entomology Department Can Receive

comes in a green and orange box, tied with a gold ribbon… 

and contains sets of insects (in our case: brown dog tick, American cockroach and rice weevil)… 

with a card that says, “Dear Entom, Thank you for helping us conquer our fear of handling insects! We hope this is the last. From, Group 8”

—-

Happy-Birthday-Merry-Christmas-Happy-New-Year-Happy-Valentine’s-Day to you, Entomology!

And Happy Graduation to us! :)

Yes! Makakagraduate na kami. Iniisip kasi namin noong Friday na baka ito pang arthropod collection ang maging sanhi ng hindi namin paggraduate. Biruin mo naman kasi, lahat na ay nakapagproseso na ng insekto at kami na lang ang hindi pa. Nagkaproblema kasi sa mga specimens namin. Nakakaawa. Nakakainis. Haha. Mabuti na lang at nagawaan ng paraan.

January 24th, 2012
miapatrice:

scientistintraining:

T-4 Phage Earrings Designed by: gavinfischer

Bacteriophage earrings! 

I want! I always love the bacteriophage. :)

miapatrice:

scientistintraining:

T-4 Phage Earrings Designed by: gavinfischer

Bacteriophage earrings! 

I want! I always love the bacteriophage. :)

toleratingguilt:

Tinayp ko ang pangalan ko sa Google at napadpad ako sa isang blog ng kaibigan. Medyo natawa ako sa nakita kong naka-quote sa’kin. 
At ang mas magandang bersyon nito, 
“Naiisip mo ba na kahit nauuna ako sa’yo, hinihintay pa rin kita?”

Natatandaan ko pa ito. Hapon. First year. Summer 2009. Sa labas ng Women’s CR sa tapat ng RH 115. Kay Twinkle mo ito sinabi. Hindi ko alam kung bakit pero sobrang natutuwa ako dito. :)

cuntented:

My favourite place to read is really anywhere so long as I can spread myself out. Couch, rug, bed, whatever feels best. This is because I’m a fidgeter. I flip-flop around a book like it’s the only thing I have to hold onto in a storm. - Kate Beaton (x)

(via huwagkangemo)